Minsan, dumarating sa aking buhay ang mga sandali na gusto ko kong magwala, magsisisigaw at ilabas ang lahat ng saloobin... Di ko lang kasi magawa eh, wala kasi akong panahon... Sana dumating ang pagkakataon, na ako ay mapunta sa isang lugar na di ako makakabulahaw sa aking kapwa upang ito ay aking magawa... Hangga't 'di pa dumarating ang ganyang pagkakataon dito nalamang muna ako maglalabas ng aking mga sinasaloob...
Sa pamamagitang ng aking mga akda ay mailalabas ko ang aking kalungkutan at kasiyahan... Dito mo rin lubusang makikilala kung anong klaseng nilalang ako... Lahat ng dapat malaman sa akin ay dito makikita... Maaring dito mo makikita ang isang parte ng aking pagkatao na hindi mo pa nakikita...
Ako'y isang tao - nagkakamali, nawawala sa landas, nagmamahal, nasasaktan, tumatawa, umiiyak, nalulungkot, sumasaya... Sa bawat sandali ng aking buhay ay may kwento, lahat naman eh... May kwentong masaya, malungkot, nakakaloka, nakakaiyak... Sana ang buhay may kumpletong logs no, na pwede mong balikan with all the effects as if naroon kang muli... Meron tayong memory, pero di naman perfect, minsan pa nga edited na... Sa pamamagitan ng aking website, sana makagawa ako ng logs ng aking buhay, di man kumpleto pero totoo, di scripted, di rin edited... Kung anong nangyari yun talaga...
Di ako magaling sumulat, ano lang ba ang aking akda itabi mo sa iba... Ayos lang, di naman ako nakikikompetensya, di naman to para sumikat ako o kung ano pa man... Siguro para maibahagi sa iba ang aking kwento, pwede rin para libangin kayo... Pero ang alam ko, para din ito sa akin, para mapaglibangan, pagkaabalahan... At gaya ng nasabi ko, kung pwede nga lang dito ko na ipagsigawan ang aking emosyones... ^^
Simula't sapul ay hindi na ako marunong makihalubilo sa mga tao. hindi ko alam kung pano kumilos at makisama kaya naman nasanay akong palaging nag-iisa. madali mahulog ang loob ko sa isang tao, madali din silang mapalapit at mahalin ko ngunit natatakot akong pag sila'y napalapit na at minahal ko iiwanan lamang ako. ayoko ng rejection. iyon ang pinakamasakit sa lahat. iyon bang akala mo they care for you, niloloko mo lang pala sarili mo, naniwala kang you matter to them pero hindi pala. ayoko ng ganun, i want people i love to stay, it may be selfish but I don't want to get hurt.
nagmahal ako pero iniwan din, and i'm talking bout platonic love here. there are friends na akala ko will always stay hindi pala. once they get to know other people, maybe better than me nawawala na sila. i learned to isolate myself, to be with people, laugh and cry with them, drink and get drunk, horse around but i always keep the distance.
I learned to push people away, not let them too close. In return people tend to stay away from me which suits me just fine. when you don't love you don't get hurt, because people who hurt you are people you love. their actions hurt because you care. you don't get hurt when rejected by someone who is like wala ka namang pakialam.
On the other hand, di kaya i'm like this kasi nga hindi naman talaga ako marunong makibagay. but what's pakikibagay? pakikipagplastikan sa iba. social engineering. but i'm not like that, i don't wanna be a user. I'm like this, call me selfish but so be it.